Mga larawan mula sa Google |
Labis na
ikinalungot ni Megastar Sharon Cuneta ang naging desisyon ng Kongreso na hindi
bigyan ng prangkisa ang ABS CBN.
Sa isang
mahabang post sa Instagram, ang Kapamilya aktres ay nagreklamo laban sa mga
mambabatas dahil sa pagsunog umano ng mga ito sa kanyang naging tahanan.
“Parang
sinunog ang bahay namin. Parang pinatay na rin ang pamilya namin, lalo na ang
11,000 na hindi ganon ganon lang makakahanap ng trabaho ngayon lalo sa panahong
ito,” ayon sa aktres
Ayon kay
Sharon, siya at si Angel Locsin ay lalapit sana sa mga bossing ng ABS-CBN upang
matulungan ang pag-ayos ng mga bagay kung nabigyan sila ng isa pang
pagkakataon.
“Pero kung
nabigyan ako at nila Angel ng pagkakataon, sana nakausap namin ang mga Boss at
kahit paano ay nakatulong kami sa ilang daang mga Kuya naming alam namin kung
gaano kahirap ang mga naging trabaho. Sana nabigyan pa ng pagkakataon ang mga
namamahala na itama lahat ng pagkakamali,”Aniya
Sinabi niya
na ang mga boss ng ABS-CBN ay mapagpakumbaba at disente ngunit itinuring na
parang kriminal ng ilang mga kongresista sa panahon ng pagdinig.
Kinilala
din umano ng mga executive ng ABS-CBN ang mga pagkakamali at nangako na iwasto
ang mga ito ngunit hindi pinakinggan ng Kongreso.
“Parang
paulit-ulit lang ang mga tanong pero sinagot ng mapagkumbaba, disente, umamin
sa mali at nangako sa harap ng milyong-milyong Pilipino na babaguhin ang mali.
Wala namang kahit sinong kumpanya o tao ang perpekto. Tapos, napakabilis pala
lang ng desisyong huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN,”ani Sharon
Sa kabila
ng pagsara ng ABS-CBN, ang asawa ni Senador Francis Pangilinan ay umaasa na ang
kapalaran ng network ay muling iikot.
“Salamat
din po sa mga nagdasal at nagdadasal pa para sa ABS-CBN. Bilog po ang mundo. At
buhay na buhay ang Diyos. Siya ang may hawak at may alam ng lahat ng mangyayari
bukas,” aniya
0 Comments