Larawan mula sa Abogado Ph |
Di nakapag pigil si Foreign affairs chief Teodoro Locsin Jr. kay senador Kiko Pangilinan matapos na tanungin ng huli kung bakit tila ginusto ng gobyerno na mag import ng mga test kit imbes na tangkilin ang gawang pinoy na sumailalim naman sa mahigpit na pagsusuri.
Sa isang tweet nitong Martes, sinabi ni Pangilinan na manahimik nalang kung walang matinong sasabihin.
“Why? Why? BECAUSE THEY’RE PROVED TO F*CKING WORK THAT’S F*CKING WHY? WHAT’S WRONG WITH YOU. SHUT UP IF YOU HAVE NOTHING INTELLIGENT TO SAY,” ayon sa DFA chief
“P*T*NGINA. I AM NOT GONNA LET OUR PEOPLE DIE IN THE NAME OF FILIPINO FIRST. P*T*NGINA,”dagdag niya
Noong Mayo, pinatigil ng Department of Health (DOH) ang test kits na binuo ng UP dahil sa "very minor defects".
Ngunit kamakailan lang ay inihayag ng DOH na ang mga kit na locally-made ay handa na para sa komersyal na paggamit.
v Ayon kay Pangilinan siya ay napapaisip kung bakit pinapaboran ng DOH ang na-import na test kits mula sa China at South Korea.
“Ang sabi sa atin ng mga insiders sa DOH, walang kahirap-hirap ang mga imported test kits, samantalang pinahirapan talaga itong gawa ng Pinoy,” ayon kay Pangilinan
“Dapat sagutin ng pamunuan ng DOH kung bakit natagalan bago natin nagamit itong mas abot-kaya at de kalidad na test kits. May kumikita ba at nakikinabang sa mas mahal na imported test kits?” dagdag pa niya
Nanawagan din si Pangilinan para sa transparency, na kailangang alam ng publiko ang aktwal at inaasahang gastos ng DOH para sa pagkuha ng rapid at polymerase chain reaction test kits.
“How much more fund is allocated for the procurement of more kits? In the budget for 2021, how much is the DOH proposing for such [an] expense?” aniya
“As concerned as we are for the health of the Filipinos, we are also keenly looking after the well-being of our state coffers. Every peso of meaningful, honest, and transparent spending and saving will go a long way, especially amid an economic crisis,” dagdag pa ng senador
0 Comments