Bugoy Drilon never tinraydor ang ABS CBN: Alam ko sa puso ko, wala akong ginawang mali

Larawan mula sa Viral News (ctto)
 

Muling nagsalita ang Kapamilya singer na si Bugoy Drilon patungkol sa isyu na binabato sa kanya ng mga taga suporta ng ABS CBN.

Ayon pa kay  Bugoy, never niyang tinraydor o pinagsalitaan ng masama ang kanyang network at siya ay tila nadamay lang nang masangkot ang kanyang kabigan at kapwa singer na si Daryl Ong sa kontrobersya at sa pagkaka-ban ng huli sa Kapamilya.

Ayon sa Bandera Inquirer, nagsimula ang isyu sa isang pahayag mula kay Daryl habang sila ay nasa Airport sa kasagsagan ng franchise renewal hearing ng network.

“Ayaw ko na nga po sana pag-usapan ang issue na ‘to kasi I’m at peace naman po sa puso ko.”

“Ganito po ‘yun. Gusto ko ilagay ninyo ang shoes n’yo on my shoes. May kaibigan ka, nag-uusap kayo. Siyempre, hindi naman pwedeng hindi magsalita kasi you’re part of the conversation.

“Ang sinabi ko lang po doon talaga, kasi that time, nagkakaroon sila ng sign petition, ‘di po ba? Na one million signatures for that petition,” ayon sa singer

Aniya, totoong may babaeng nagpakilala sa kanila ni Daryl na road manager daw at nagtanong na ‘Bakit hindi ka mag-invest sa ABS kasi medyo down sila?

“Ang sabi sa akin ng isang RM. Hindi siya part ng Star Magic, pero nag-a-RM-RM siya sa isang artista po. And then, doon na siya nag-banter si ate girl na ‘Bakit hindi ka mag-invest sa ABS kasi medyo down sila?

“And then, doon na siya (Daryl) magsabi ng ‘Sa tingin mo ba mare-renew ‘yung franchise ng ABS-CBN?’ And ang sagot ko, ‘I think, yes.’

“Kasi nakita ko sa Facebook, I think, kulang na lang sila ng 60,000 sa one million signatures. ‘I think, yes, mare-renew sila.’ ‘Yun lang ang sinabi ko sa conversation. So, I can’t say sa side ni Daryl kasi sinabi na po niya ang side niya,”

“I know in my heart wala akong ginawa. Alam ko po ‘yung gratitude, ‘yung utang na loob ko sa mother network ko. Kasi mother network ko po ‘yun.”

Kumusta naman ang relasyon nila ni Daryl? “We’re okay po. Going strong pa rin ang friendship bamin. Because at the end of the day po, we are trying to entertain the people. And at the end of the day, ‘yung music po, I want to share my music.”

“I feel sad po because, at the end of the day, bali-baligtarin man po natin ang mga pangyayari, ABS-CBN helped me kung anuman meron ako. And I’m forever grateful po sa kanila.

“Kasi, hindi ko naman maa-achieve ang ganitong sitwasyon ko, ganitong status ko, because sila naman po talaga ang tumulong sa akin.

“Actually, I’m sad po sa mga nakatrabaho ko sa ABS-CBN na there’s a point na hindi ko na sila makita. They don’t have work. So I’m sad and sympathize po sa kanila,” paliwanag pa ni Bugoy

 

 

 

Post a Comment

0 Comments