Photo courtesy of Facebook@PCP |
Humingi
ng paumanhin ang Philippine College of Physicians (PCP) nitong Lunes, matapos
magpahayag ang Pangulong Rodrigo Duterte kung ang kanilang panawagan ng mas
mahigpit na quarantine protocols ay magiging isang pahayag ng pag-aklas at pagmamaliit sa
pamahalaan.
Sa
isang paglilinaw ng PCP sa kanilang website, sinabi ni Dr. Mario Panaligan, pangulo
ng PCP, Kanilang ikinatuwa ang mabilis na pagtugon ng Pangulong Duterte sa
kanilang panawagan at kanilang ring pinasasalamatan ang pagbibigay ng tulong
nito sa medical community.
Binigyang
diin ni Dr. Panaligan, na hindi lamang makakatulong ang pagdedeklara ng
Enhanced Community quarantine (ECQ) sa mga health workers at mga doktor na
makapag-pahinga kundi makakapagbigay din ito ng higit na kaukulang
pag-aalagasamga pasyente.
Sa
kabilang banda, ikinagulat din ng PCP ang naging mga pahayag ng pangulo sa
kanilang naging panawagan noong nakaraang Sabado.
"If you closely review the virtual
conference on August 1, there was never a call for a revolt nor was there any
threat of leaving patients on their own since our oath instructs us to 'first
do no harm' to anyone who needs our help," sabi ni Dr. Panaligan.
Dagdag pa nito, wala daw sa kanilang mga doktor ang katangian at
mga pagsasanay na magbigay ng ultimatum. "but
if our requests and observations were taken as an assertive display of
indignation, we apologize for the way the message was taken in a negative
light."
Ani pa ni Panaligan sumulat noon pang Abril ang PCP sa Department of Health hinggil sa paghingi ng mga test kits upang magamit ng mga healthcare workers na matatalaga sa loob ng dalawang linggong pagbabantay.
Binigyang
diin din ng PCP na kanilang pinakasisigurado ang mga healthcare workers ay
malulusog at upang matugunan ang kanilang mga pag-aalala at upang mapanatili
silang masisigla sa pag ganap ng kanilang tungkulin.
"Three months have passed since that time and after other
requests like quarantine facilities for HCWs, insurance coverage and protection
from verbal castigation and physical violence to name a few have been left
unanswered, we patiently held on as soldiers into battle," pahayag ng PCP
sa kanilang liham sa DOH, at sa hanggang sa kasalukuyan ay tila hindi pa rin
natutugunan ang kanilang kahilingan.
Binigyang
pansin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious
Disease(IATF) ang kanilang mga issues nitong
Linggo sa kanilang pagpupulong sa pangulo.
"If
we just knew that your office was not briefed in detail about the situation of
our workers in both government and private hospitals, we would have sought a
private audience with you to settle these issues and made things clear and
right," dagdag pa ni Panaligan sa kanyang liham.
“Going
forward, we are glad that your office is open to suggestions and that you
prioritize the safety of our health care workers. Similar to your wish, we also
pray that the COVID vaccines become available sooner than later,” ani pa nito.
Bagaman,
inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang pagdedeklara ng Modified Enhanced
Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan,
kanya namang pinagsabihan ang mga healthcare workers na nanawagan na lalo pang
paghigpitin ang quarantine sa Metro Manila.
"There
would have been no need for you into itong ganito (this kind of thing), raising
your hands as if sasabihin ninyo (saying) 'revolution, revolution'," Sabi ng pangulo nitong
Linggo ng gabi.
Dagdag
pa ni Duterte, hiling din niya na dapatay sumulat man lang sa kanya ang mga
doktor o di kayaay naki-pagpulong sa kanya imbes na magpakalat ng mga hinaing
ng hindi man lang binibigyan ng pagkakataon ang gobyerno na makatugon sa
kanilang mga problema.
"Ngayon anong gusto ninyo (Now what do you want), I will
implement other things in this government without informing you. Would you be
happy with that?" sabi pa ni Duterte.
"If you think this can be solved revolution, then by all
means, start it." giit pa ng Pangulo.
0 Comments