Duterte slams Robredo after criticism: Do not add fuel to the fire. You will just destroy the government


Larawan mula sa Facebook


 Hindi nagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga puna ni Bise Presidente Leni Robredo sa tugon ng gobyerno sa pandemya ng COVID-19, na ayon sa pangulo ay gumagatong lang sa sitwasyon.

“Itong sinasabi ni Leni na kung 'di gawin ng gobyerno, gagawin ng tao… panahon ito ng pandemic, desperado ang tao… dadagdag kayo, wala naman kayo basehan,” ayon sa Pangulo sa isang recorded na briefing na inilabas nitong Martes.

“Do not add fuel to the fire. You will just destroy the government,” dagdag pa nito

Sinabi rin ng pangulo na ang pagsira sa gobyerno, maging ang kanyang kamatayan, ay hindi solusyon sa mga problemang kinakaharap ngayon ng bansa.

“Huwag niyo sirain ang gobyerno kasi masisira ang tao. Pag nasira ang gobyerno, lulutang tayo lahat,”  aniya

Si Robredo ay nagsalita sa publiko sa pamamagitan ng social media nitong Lunes ng gabi, ilang oras bago nakipagpulong si Duterte sa mga miyembro ng gabinete nito sa Davao City upang talakayin ang mga diskarte ng gobyerno sa pandemya.*

Pinuna ni Robredo na wala umanong pakialam ang pamahalaan sa mga tao at ang naging tugon lang nito ay hayaan ang publiko na gawin lahat 

At kung walang namumuno para malampasan ang pandemya, maaaring magtulungan ang bawat isa.

“At kung walang mamumuno, tayo mismo ang hahakbang, tayo mismo ang magtutulungan, tayo mismo ang bibitbit sa isa’t isa,”ani Robredo*

Gayunpaman, nilinaw ni Robredo na hindi niya pinupuna ang gobyerno, ngunit sinabi lamang ang katotohanan tungkol sa nangyayari sa lupa.


Post a Comment

0 Comments