Larawan mula sa Fashion Pulis at Abante |
Para kay John ‘Sweet’ Lapus dapat daw ay idemanda ni Vice President Leni Robredo ang dating aktres na si Vivian Velez.
Ito ay matapos na banatan ni Velez si Robredo sa naging talumpati nito sa kanyang inilabas na video upang punahin ang administrasyon sa naging mga hakbang nito upang tugunan ang pandemya dulot ng COVID -19.
“Kung ako kay Madam VP dedemanda ko yan. Tapos may coverage sa Betamax!” ayon sa komedyante sa kanyang caption
Nag-viral kamakailan si Velez matapos nitong punahin ang damit ng Bise Presidente na tila uma-akting daw na parang Pangulo ng bansa.
Si Robredo ay nagsalita sa publiko sa pamamagitan ng social media nitong Lunes ng gabi, ilang oras bago nakipagpulong si Duterte sa mga miyembro ng gabinete nito sa Davao City upang talakayin ang mga diskarte ng gobyerno sa pandemya.
Pinuna ni Robredo na wala umanong pakialam ang pamahalaan sa mga tao at ang naging tugon lang nito ay hayaan ang publiko na gawin lahat
Ayon kay Velez, ang ginawang pagsasalita ni Robredo ay masasabing “worst political branding.”
“The worst political branding… it’s so fake,” ayon kay Velez sa isang Facebook post, na kilalang taga suporta rin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Obviously, they want to make her look smarter (kasi nga b*ba) [because she’s an idi*t] with those glasses on and books on the table, not to mention the color choice of her outfit,” ayon sa aktres
“Ano ‘to, shooting? Playing ‘the president’ daw sya? (What is this? Is she playing “the president?”) Dagdag pa nito
0 Comments