Presidente ng Globe Telecoms nakipag-meeting kay Duterte: Sinisi sa red tape ang kakulangan ng cell tower


Mga larawan mula sa Inquirer


Tatlong araw matapos magbanta ni Pangulong Rodrigo Duterte na kunin  ang mga telecommunication companies kung hindi pagbubutihin at aayusin ang mga serbisyo ay kinausap mismo ni Globe Telecom president Ernest Cu ang pangulo.

Ayon sa ulat ng Inquirer, nagtungo si Cu sa Malacañang upang dumalo sa isang consultation meeting sa pandemya na tugon ng gobyerno.



Lumabas umano sa pag uusap ng dalawa na ang dahilan ng pangit na serbisyo ng Globe ay ang kakulangan ng cell sites na resulta daw ng red tape na kinakailangan nilang gawin upang makakuha ng mga permit.

Sa isang recorded video na ipinalabas noong Biyernes, una nang nagbiro si Pangulong Duterte na ibitin niya si Cu mula sa isa sa kanyang mga cell tower kung hindi mapapaganda ng Globe ang kanila serbisyo bago matapos ang taon.

“I said, ‘if you don’t improve on it, I will hang you on one of your towers,’” ang naalala ni Duterte na sinabi kay Cu

“[Cu] said, ‘Mayor, you cannot do that because there is no tower. The local governments are all f*cking it up, that’s why. So where will you hang me? On a coconut tree?’ I said, you’re right, Erns,” aniya



Pagkatapos ay nagsalita si Cu at nagsiwalat na ang isang telco ay kailangang mag secure ang 28 hanggang 30 na permit para sa isang cell tower at ang proseso ay aabutin ng halos walong buwan.

“There are different miscellaneous fees, different tower fees. We also have a special use permit. Those are not standardized. If we will apply for 5,000 permits, times 28 to 30 permits, how many thousands of permits will we get just to start?” ayon  kay Cu.

Kaya naman dahil dito hiniling ng Pangulo sa Globe Telecom at iba pang mga telcos na dalhin ang kanilang mga reklamo sa mga opisyal ng Gabinete tulad nina Finance Secretary Carlos Dominguez III, Interior Secretary Eduardo Año, o kahit kay Sen. Christopher Go or sa mga military generals.


“Report it directly to them. And my order to the Cabinet is to really take, the heaviest, most drastic measure that you can find, so you can arrive at an understanding. This is my last mile,”ani Duterte







Post a Comment

0 Comments