Trillanes: Bong go paraded duterte’s video yesterday as though they have already solved the pandemic

Larawan mula sa Google (ctto)


 
Katulad ng ibang mga taga oposisyon, hindi rin natuwa ang dating senador na si Antonio Trillanes IV as larawang binahagi ni senador Bong Go sa social media bilang patunay na maayos ang lagay ni Pangulong Rodrigo Duterte at ito ay nasa Pilipinas lang, salungat sa mga lumalabas na balitang umalis ito ng bansa para magpagamot.

Sa isang Twitter post ay binasag ni Trillanes ang umano’y epic fail na tugon ng pamahalaan sa pandemya na nararanasan hindi lamang sa bansa kundi sa buong daigdig.

“Bong go paraded duterte’s video yesterday as though they have already solved the pandemic, Hoy! Nagising lang ‘yung amo mo, palpak pa rin kayo!” ayon kay Trillanes

Kasunod ng kumalat na balitang umalis si Duterte patungong Singapore, nagpost naman si senador Go ng mga kuha ng pangulo para salungatin ang umano’y mga “fake news”.

Sa nasabing larawan, makikita na kumakain si Duterte kasama ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña, na may hawak na dyaryo na lathala mismo nitong Lunes, kasama din si Kitty at isa pang bata.

“Sa mga nagpapakalat ng fake news, makonsensya naman kayo. Ang Pangulo ay nasa Pilipinas lamang at handang mag serbisyo sa kapwa Pilipino,” ayon pa sa caption ng post ni Go *

Maliban kay Trillanes, pinuna rin ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pangulo at sinabing karapatan ng publiko na malaman ang kinaroroonan nito.

“Where the President travels, whether inside or outside the country, for economic, health or leisure is the nation’s concern, irrespective of the utilization of public funds,”  ayon sa mambabatas

“The President must appreciate rather than demean this concern,” ani Lagman

Sinabi din ng mambabatas ng Albay na bilang Chief Executive, nararapat lang na transparent si Duterte sa kanyang kinaroroonan.

“Duterte is the Chief Executive, not an ordinary citizen, whose whereabouts must be fully transparent except for exigencies of security,”aniya

“The public is entitled to know or must be informed of the Head of State’s activities which impact on the peoples’ interest and welfare,” ayon pa kay Lagman

Post a Comment

0 Comments