Vivian Velez on Robredo's address to the nation: "The worst political branding… it’s so fake,..."

 

Photo from Fashion Pulis


Binanatan ng aktres na si Vivian Velez si Bise Presidente Leni Robredo matapos nitong mag labas ng pahayag sa publiko para punahin ang naging pagkilos ng gobyerno para labanan ang pandemya.

Ayon kay Velez, ang ginawang pagsasalita ni Robredo ay masasabing “worst political branding.”

“The worst political branding… it’s so fake,” ayon kay Velez sa isang Facebook post, na kilalang taga suporta rin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Velez, nais lamang daw pagmukhaing matalino si Robredo ng kanyang mga kakampi.

“Obviously, they want to make her look smarter (kasi nga b*ba) [because she’s an idi*t] with those glasses on and books on the table, not to mention the color choice of her outfit,” Ani Velez

“Ano ‘to, shooting? Playing ‘the president’ daw sya? (What is this? Is she playing “the president?”) Dagdag pa nito


Si Robredo ay nagsalita sa publiko sa pamamagitan ng social media nitong Lunes ng gabi, ilang oras bago nakipagpulong si Duterte sa mga miyembro ng gabinete nito sa Davao City upang talakayin ang mga diskarte ng gobyerno sa pandemya.

 

Pinuna ni Robredo na wala umanong pakialam ang pamahalaan sa mga tao at ang naging tugon lang nito ay hayaan ang publiko na gawin lahat

 

At kung walang namumuno para malampasan ang pandemya, maaaring magtulungan ang bawat isa.

 

“At kung walang mamumuno, tayo mismo ang hahakbang, tayo mismo ang magtutulungan, tayo mismo ang bibitbit sa isa’t isa,”ani Robredo*

 

Gayunpaman, nilinaw ni Robredo na hindi niya pinupuna ang gobyerno, ngunit sinabi lamang ang katotohanan tungkol sa nangyayari sa lupa.

 

Post a Comment

0 Comments