Photo courtesy of VP Robredo's Facebook |
Umalma ang ilang mga mambabatas nitong Lunes matapos maghain ng proposed office budget for 2021 si Vice Pfresident Leni Robredo na syang may pinaka-mababang pondo sa lahat ng mga opisina ng pamahalaan.
Sa iprenisentang budget proposal para sa susunod na taon, lumalabas na ang tanggapan ni Robredo ang binigyan lamang ng P679 miliyong pisong pondo para sa 2021, mas maliit kumpara sa kanilang budget nitong taon.
Ayon kay Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado binawasan ng Department of Budget Management (DBM) ang dating budget na 708 milyong piso na mas mababa ng 29 milyong piso.
Samantalang si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez naman ay nanawagan sa kanyang mga kapwa kongresista na taasan o dagdagan pa ang nasabing budget ng Bise Presidente ng hanggang 113 milyong piso.
“Giving this P113 million will go a long way in providing funds to OVP to implement its regular programs and its response to Covid-19 pandemic,” pahayag ni Rodriguez.
Nagmungkahi din si Baguio City Rep. Mark Go, na kung maaari pa nga raw ay doblehin ang nasabing office budget ni Robredo ng hanggang 1 bilyong piso.
Sinang-ayunan naman ito ng ACT Teachers party-list Representative na si Cong. France Castro na doblehin at kung maari pa nga raw ay triplehin pa ito.
Ngunit ani Rodriguez sapat na umano na ibalik na lamang ang ibinawas na 41 milyong piso ibinawas sa orihinal ng pondo ni Vice president Robredo na ngayon ay 679M na lamang sa susunod na taon.
Lumalabas, nais ni Rep. Rodriguez na dagdagan pa sampung porsyento (10%) dagdag mula sa 41M o mahigit 113 milyong piso ang kabuuang karagdagan sa pondo ng opisina ni Robredo para sa susunod na taon, 2021.
Sinamantala na din ng Mindanaoan Representative na batiin si VP Robredo para sa matagumpay nitong pabahay para sa mga internally displaced persons (IDPs) at pagbibigay ng seed capital naman para sa mga livelihood projects nito.
0 Comments