Larawan mula sa ABS CBN |
Makalipas ang ilang buwan simula nang tuluyang ipasara ang higanteng network na ABS CBN, hindi pa rin nawawala ang tila sama ng loob ng mga artista na nagtatrabaho sa nasabing istasyon.
Sa isang matapang na pahayag, sinabi ng beteranang aktres na si Cherry Pie Picache sa isang Zoom conference ng pinakabagong serye ng Kapamilya na hindi mapipigilan ang galing ng ABS CBN.
Nitong Lunes ay nagsimula nang umere ang "Walang Hanggang Paalam" na series ng Kapamilya kung saan starring sina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Paulo Avelino and Arci Muñoz.
“Pwede n’yong isara, pwede n’yong patayin, pwede n’yong itigil pero hindi n’yo mapipigilan yung galing ng kumpanyang pinagtatrabahuhan namin.
“Ang ABS-CBN, ang Dreamscape at lahat sa mga taong nandito this is just the beginning kahit naging madilim, malungkot, mahirap, we faced the challenge, we all face the challenge and will be a brighter future for everyone,” Ani Cherry Pie
Labis din daw ang pasasalamat ng aktres dahil sa kabila ng mga nangyayari ay nakakapag produce pa dn ang ABS CBN ng de-kalidad na palabas.
Samantala nagbigay naman ng inspirasyon at pag asa ang Presidente ng ABS CBN na si Karlo Katigbak sa kanyang pinakahuling pahayag.
“Now more than ever, we can focus on our core capabilities, creating programs to entertain, inspire and give joy for Filipino families and delivering news that informs, educates and helps our Kababayan especially in their time of need.
“Nothing can take away our spirit of service. Our passion to serve Filipinos continues to burn brightly in our hearts and our commitment to the public is to continue to find ways to serve you.
“Thank you to those who are leaving ABS-CBN for the years you have given to the company and for the service you have given to our audience.
“Thank you to those who are staying behind, believing in our future and for enduring our sacrifice in order to continue serving the public.
“It will be a difficult journey until that time but our history has shown that ABS-CBN’s burning passion for service to the Filipino cannot be extinguished. We hope to share this passion with us and count on your continued presence on the road to rebuilding our beloved company.” ayon kay Katigbak
0 Comments