Mga larawan mula sa Bandera Inquirer |
Ayon sa aktor na si Enchong Dee na kilalang tagapuna ng administrasyong Duterte, wala umanong puso at hindi matalino si MMDA spokesperson Asec na si Celine Pialago.
“THIS person is Heartless and Unintelligent. Ilagay mo ang sarili sa kalagayan ng isang ina at mangyari ito sa ’yo? Bilang isang tao, okay lang talaga sa ’yo?” ayon kay Enchong
Ito ang naging sagot ng aktor sa Facebook post ni Pialago patungkol kay Reina Mae Nasino, ang aktibistang nakakulong.
Naging laman ng balita si Nasino matapos kumalat ang mga larawan sa social media habang nililibing ang kanyang sanggol na si Baby River at hindi man lang umano ito tinanggalan ng posas ng kanyang mga bantay.
“Happy Sunday everyone! Walang kinalaman sa traffic pero sa tingin ko kailangan kong gamitin ang boses ko bilang isang Pilipino sa usapin na ito.
“Hindi lahat ng inang nakakulong ay nakapunta sa libing ng kanyang anak. Kaya ‘yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag-aralan ninyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin ninyong mabuti kung sino siya sa lipunan.
“Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!” Ayon naman sa post ni Pialago sa kanyang Facebook account.
Mayroon namang isang netizen na sinagot si ang MMDA official at sinabing “Compassion and noticing a dramatic scene is two different things. Anyone have the right to grieve, but not in front of TV.”
At ang sagot naman sa kanya ni Asec. Celine, “Aqsitsarls Harn, Apology to grieving mothers if they think I’m insensitive, same to Miss Nacino, but the point of ‘drama serye’ isn’t focused on Miss Nacino but on different groups taking advantage on the unfortunate situation to capitalize the issue of a ‘grieving mother deprived of right to be with her child’ at the expense of an innocent soul.”
Matapos ang sagot na ito ni Enchong ay nagpaliwanag naman ang Asec at sinabing mayroong 7 tao na nagmamanage ng kanyang page at hindi siya ang nagpost "drama serye" patungkol kay Nasino.
“EVERYTHING we put out in the digital world we need to be accountable for.”ayon naman kay Enchong
0 Comments