Bayan Muna Rep on NPA daughter: Bayani siya ng mga Lumad at ng buong bayan


Photo from ABS CBN and Inquirer


Papuri ang sambit ni Bayan Muna Rep Eufemia Cullamat para sa anak na para sa kanya ay "bayani" ng mga Lumad at Pilipinas matapos siyang mapatay sa isang engkwentro sa mga special forces sa Surigao Del Sur.


Si Jevilyn na nagsilbi umanong medic ng New People's Army (NPA) at miyembro rin ng NPA Sandatahang Yunit Pampropaganda Platoon ng Guerilla Front 19,Northeheast Regional Committee, ay nasawi sa 45 minutong engkwentro sa pagitan ng militar at mga rebeldeng komunista nitong Linggo.


Nauna nang sinabi ni Cullamat na ang kanyang anak na babae ay sumali sa NPA dahil sa patuloy na pang-aabuso ng militar sa mga pamayanan ng Lumad.


Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:


Mahal ko ang anak ko na nagmahal sa bayan. Ipinagmalalaki ko siya.  Bayani siya ng mga Lumad at ng buong bayan.


Bilang isang ina, basag ang puso ko ngayon sa balitang nasawi ang anak kong si Jevilyn sa isang insidente sa Marihatag, Surigao del Sur. Matindi ang aking pagdadalamhati sa pagkap@slang ng aking bunsong anak.


Mariin kong kinokondena ang ginawang pambabast0s at pambabab0y sa labi ng aking anak. Hindi siya bagay, hindi siya isang tropeo na ipaparada para lamang sa propaganda ng militar. Hindi niyo na ginalang ang patay, binabast0$ pa ninyo ang nagluluksa naming pamilya. Hinihiling ko sa militar na huwag gamiting tropeo ang bangkay ng aking anak. Hayaan ninyo ang aming pamilya na makapagluksa at makapagbigay ng parangal sa kabayanihan niya.


Mahal na mahal ko si Jevilyn. Isa siyang tahimik at mabait na anak. Pinalaki namin siya na maging makabayan, matapang, at may sariling pag-iisip at paninindigan. Sa aming mga Lumad, bawat bata ay inaaruga para maging kapaki-pakinabang at mag-ambag sa komunidad.  Ang desisyon niyang lumahok sa armadong pakikibaka ay hindi simpleng bagay, at bunga na rin ng pang-aabusong dinanas naming mga Lumad at ang matinding kahirapan na nasaksihan niya.  Nakita ng kanyang dalawang mata kung paano pinaslang ng mga paramilitary ang aming mga lider na si Dionel Campos, Datu Bello Sinzo, at Executive Director ng ALCADEV na si Emerito Samarca noong September 1, 2015.


Bagamat bilang isang ina ay nag-alala rin ako at masakit ang mawalan ng isang anak, nanaig pa rin ang respeto ko sa naging desisyon ni Jev.


Anupaman ang sabihin ng mga buwitreng pumapaligid ngayon sa bangkay ng aking anak, ito ang tanging masasabi ko: hindi nasayang ang kanyang buhay na inalay niya para sa bayan at para sa pagdepensa ng aming lupang ninuno.  Malaking karangalan sa akin na nagkaroon ng isang anak na naging martir at mandirigma.  Mahal na mahal ko ang aking anak na buong buhay na naglingkod at nagmahal sa bayan.


Walang pag-alinlangan kong sasabihin ito: ipinagmamalaki ko si Jevilyn dahil lumaban siya sa isang sistemang mapang-api lalo na sa aming mga Lumad. Walang nanay na magtatakwil sa anak na nagsantabi ng pansariling interes at nag-alay ng kanyang buhay para sa bayan at  para sa pagdepensa sa aming lupang ninuno.


Post a Comment

0 Comments