Larawan mula sa ABS CBN |
Binatikos ni senador Leila de Lima ang hindi umano pag asikaso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa habang kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rolly sa Bicol at iba pang lugar sa Luzon.
Ayon kay De Lima, nagpapakita umano ito ng 'katamaran' ng pangulo sa pamumuno sa bansa.
“Naturingang Pangulo pero kukupad-kupad sa panahon ng pandemya at tutulog-tulog kapag may kalamidad. Kawawa talaga ang Pilipinas at ang mga Pilipino sa ganitong klaseng lider," aniya
Sinabi din ng mambabatas na dapat gawin ni Duterte ang kanyang trabaho bilang pinakamataas na opisyal ng bansa sa mga panahong higit siyang kailangan upang tiyakin na mabibigyan ng nararapat na assistance ang mga tao.
Habang nananalasa ang bagyong Rolly sa bansa ay nagtrending sa Twitter ang hastag na #NasaanAngPangulo.
Ito ay dahil umano hindi nagbigay ang pangulo ng press briefing para sa paghahanda sa pinakamalakas na bagyo.
Naganap lamang daw ang briefing matapos na ang bagyo ay nakagawa ng dalawang landfalls sa Catanduanes at Albay.
Ipinarating din ni De Lima ang kanyang simpatya sa kapwa Bicolano at kababayan na lubhang naapektuhan ni Rolly.
“Nakikiramay po ako sa mga pamilyang naulila ng kanilang mga mahal sa buhay, nawasak ang mga tahanan at napilitang lumikas sa kanilang komunidad. Napakalaking pagsubok nga po nito, lalo pa’t humaharap pa rin tayo sa krisis na dulot ng pandemya,” aniya
“Nananawagan ako sa ating lokal at pambansang pamahalaan na siguruhin ang mabilisang pagbibigay ng ayuda sa mga nasalanta nating kababayan, at tiyakin ang maayos na mga pasilidad sa evacuation centers upang maiwasan ang sakit at matugunan ang kanilang mga pangangailangan,”dagdag niya
Samantala, ngayong araw ay nagsagawa si Pangulong Duterte ng aerial inspection kasama si senador Bong Go upang makita ang mga naging pinasala ng bagyo.
0 Comments