Nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Palasyo na magpalabas ng executive order para ibalik sa kaban ng bayan ang P33.4-bilyong pondo na naka tengga sa bank account ng Philippine International Trading Corporation (PITC) at gamitin ito upang bumili ng COVID 19 na bakuna para sa mga Pilipino.
Sinabi ito ni Pangilinan matapos na manawagan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon nitong Miyerkules sa upper chamber na pilitin ang PICT na ibalik ang halaga sa pambansang kaban.
“Since the PITC is under the Department of Trade and Industry (DTI), it is in the realm of executive action to order the immediate return of the said amounts,” ani Pangilinan
“And because we are in search of funds to purchase vaccines, then an executive order that mandates the return of these funds to the National Treasury is well within the powers of the Executive,” ayon pa sa mambabatas
Sa halagang iyon, sinabi din ni Pangilinan na hindi na kailangan umano ng gobyerno ang mangutang o humiram ng mas malaking halaga.
“Ang dali-dali nitong gawin. Hanap tayo nang hanap ng pera para sa COVID vaccines at kung anu-ano pang mga pangangailangan ng ating kapwa Pilipino, e nandito na ang naka-park lang na P33.4 billion,” ayon kay Pangilinan
Sa interpellation nitong Martes, kinumpirma rin ni Pangilinan mula kay Drilon na ang P33.4 bilyon ay nasa mga bangko o sa mga money market placements kung saan na lumilitaw bilang mga assets ng PITC at posibleng kumikitta ng bilyun-bilyong interes.
“Para silang naghihilamos sa pera o naliligo sa perang naririyan sa kanila,” aniya
“In effect, your CEO or whoever is in charge is like a glorified parking attendant rather than a trading expert because of all the money that is being parked,”ayon pa dito
“Why bring that much fund to purchase vaccines into an entity that has failed miserably in delivering in terms of purchasing or utilizing funds in the last 10 years?” ani Pangilinan
0 Comments