President Duterte says no more participation in USA-led conflicts: Count us out!



“COUNT US OUT” Ito ang mensahe na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na makikipag participate ang tropa ng Pilipinas sa kahit anong US-led joint expeditionary warfare.

“I’m addressing America right now, whatever expeditions that you will conduct, any wars that you will fight in any other countries, count us out,”ayon sa pangulo

Idinagdag din ni Duterte na walang nakuha ang bansa kundi ang “brutalidad at paghihirap” mula sa pagsali sa mga nasabing aktibidad pang digmaan.

Iginiit ng pangulo na mayroong hindi bababa sa “702” na nasawi nitong huling pagsali ng bansa sa isang pakikidigma na pinamunuan ng US.

“We will stand on our own maski wala tayong pera (even if we do not have money),and we will never beg for any help. Sometimes it would mean really the dignity of the people,” aniya

“We have been enslaved by two countries in succession: Spaniards for 400 years and the Americans for 50 years. Tama na po ‘yon (That’s enough). You have had your fill. Do not ask for more,” dagdag niya

Nabanggit din ni Duterte ang pagsasamantala ng Amerika sa likas na yaman ng Pilipinas pati na rin ang iba pang mga bansang Arabo.

“You stole our natural resources. You stole the oils (sic) of the Arab countries, divided it arbitrarily into a nation at ngayon kumukuha pa rin kayo, hinihigop pa rin ‘yung (and until now you still get their) oil and there is trouble everywhere,” sambit ng Pangulo

“So kung ganun lang naman (if that is the case,) unless we are threatened directly, there will be no more joint expeditions. At least sa panahon ko (not in my term). Maghintay kayong lahat kung mawala ako (You wait until I’m gone).” Aniya pa

Gayunpaman, ang gobyerno ng Pilipinas ay mayroong umiiral na tinatawag na Mutual Defense Treaty sa US na nilagdaan noong Agosto 30, 1951.

Layunin nitong mapanatili at palakasin ang fabric of peace in the Pacific area.”

Kahit may kasunduan, maaaring wakasan ito isang taon matapos mag bigay ng paunawa sa kabilang panig alinsunod sa Artikulo VIII ng Kasunduan sa Mutual Defense.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay nasangkot sa ilang mga hidwaan na pinamunuan ng mga Amerika kabilang ang Digmaang Vietnam noong 1960s at 2003 Iraq War.

 

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments