Duterte, siniguradong hindi tumanggap ng suhol: Just bring a person who will say that he gave us a peso, I will resign

 




Nagsabi si Pangulong Rodrigo Duterte na sya ay magbibitiw sa pwesto sa Lunes kung may makapaglabas ng isang tao sa publiko na aamin na nasuhulan siya kahit piso.


“There are many speculations out there that Cabinet members and I are receiving money,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang weekly pre-recorded speech.


“Look, I give you this guarantee. Just bring a person who will say that he gave us a peso, I will resign tomorrow.” ayon pa sa Pangulo


“Just one person, one affidavit,” dagdag niya “No invention. Just the truth that he says we received money. Just bring him before the public and announce it and if true, I will tender my resignation as President of this republic,” 


Hiniling din ng Pangulo sa publiko na isumbong o ilantad ang kahit sinong miyembro ng Gabinete na tumatanggap ng suhol.


“You have a transaction?  Let me know. As far as I’m concerned, they are all honest. If you have information, say it in public and I will ask that Cabinet member to resign immediately,” Ayon kay Duterte


Nagbabala rin siyang huwag mag sinungaling at mag imbento dahil tila hindi niya ito papalampasin.


“Do not lie. Don’t invent [a story]. That‘s bad. If you do that, it’s you I’m going to kill.” aniya


Noon pa man ay hinimok na ni Pangulong Duterte ang publiko na mag sumbong ng katiwalian sa mga ahensya ng gobyerno at magbigay ng impormasyon tungkol sa ganitong gawain.


Noong Oktubre, iniutos din ni Duterte sa isang inter-agency task force na pinamunuan ni Justice Secretary Menardo Guevarra na siyasatin ang katiwalian sa buong gobyerno.


Pinahintulutan ng pangulo ang Department of Justice na magpasya kung aling alegasyon ang iimbestigahan, kung saan dapat isaalang-alang ang gravity at epekto nito sa paghahatid ng serbisyo ng gobyerno.




Post a Comment

0 Comments