Photo from Google (ctto) |
Nanindigan ang Makabayan bloc nitong Martes na hindi sila mga rebeldeng komunista na nababalak na idestablize ang gobyerno.
Inakusahan din ng grupo na nililihis lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu upang takpan ang sinasabing kawalan ng kakayahan ng kanyang administrasyon.
Ang mga progresibong mambabatas ay nagbigay ng kanilang puna matapos ang isang press briefing ng pangulo sa isang telebisyon nitong Lunes ng gabi kung saan kanyang sinabi na ang Makabayan Bloc, Bayan at Gabriela ay front lamang ng Communist Party of the Philippines, ng the National Democratic Front of the Philippines, at New People's Army.
"Muli, pinabubulaanan namin, sa Makabayan Bloc and personally, na kami ay front ng Communist Party of the Philippines, ng NPA, at ng National Democratic Front of the Philippines," ayon kay Bayan Muna party-list Representative Carlos Zarate sa isang press conference
"Kami ay mga lehitimong, mga rehistradong mga party-list groups na lumalahok sa parliamentary arena at ngayon nga ay nakaupo kami hanggang ngayon sa 18th Congress." aniya pa
Dahil sa mga irektang pag-uugnay ng mga progresibong grupo sa CPP-NPA-NDFP at akusasyon na sila ay may kinalaman sa plano na pabagsakin ang gobyerno, mas pinanigan ng pangulo ang bintang nga militar.
Sinabi ni Zarate na ang tirada ng Pangulo ay para mailipat ang pansin mula sa kawalan ng kakayahan ng kanyang administrasyon upang matugunan ang mga problema sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemya at mga kalamidad na naranasan kamakailan.
"Itong lahat ay sa tingin namin ay pagtatakip lamang sa incompetence at sa malubhang problema pa rin sa ating bayan ngayon at pilit kaming pinipilayan to silence us especially in our active role bilang mga mambabatas sa loob ng Kongreso. Yan ay aming matinding kinukundena," ayon kay Zarate
"Ang pinakamasahol nito ay magkaroon ng designation sa amin bilang mga terorista dahil pilit kaming dinidikit doon sa ter0rism0 at gagamitin nilang kasangkapan, they will weaponize itong masahol na terr0r law," aniya pa
Bagama't namin ni Zarate na siya ay isang aktibista at siya ay isang opisyal ng Bayan Muna party-list, ang pagsulong ng mga adhikain ng mga maka kaliwang grupo, hindi umano ito nangangahulugan na sila ay miyembro ng mga rebelde.
"Kung sasabihin nila, e bakit pareho kayo ng advocacy ng underground movement? Is that a crime?" aniya
"Kung sabihin nila na nananawagan sila ng land reform, agrarian reform at kami ay nananawagan din, ipso facto, kami ay mga komunista na rin, kami ay miyembro na agad ng Communist Party of the Philippines?" Dagdag pa ni Zarate
0 Comments