Larawan mula sa Bilyonaro |
Muli na naman umanong nahaharap sa kasong cyber libel ang CEO ng Rappler na si Maria Ressa ayon sa ulat ng GMA News.
Inihain ng mga tagausig ang kaso sa harap ng Makati Regional Trial Court noong Nobyembre 23, mga limang buwan matapos na mahatulan si Ressa at ang dating mananaliksik ng Rappler na si Reynaldo Santos, Jr.ng cyber libel sa Maynila.
Ayon sa ulat, ang ikalawang kaso na ito ni Ressa ay mayroong kinalaman sa unang naisampa sa kanya noon.
Matatandaan na nahatulan si Ressa matapos siyang sampahan ng kaso ng isang businessman na si Wilfred Keng dahil sa isang article na pinamagatang “CJ using SUVs of 'controversial' businessmen" na inilathala ng Rappler.
Ayon sa article ng Rappler na isinulat umano ni Santos, si Keng umano ay nagpagamit ng SUV kay dating Chief Justice Renato Corona, na noon ay nasa ilalim ng impeachment trial.
Iniiulat din ng Rappler na si Keng ay sangkot umano sa trafficking at smuggling.
Ngayon naman, muling inakusahan si Ressa ng cyber libel dahil sa kanyang tweet na naglalaman ng mga screenshot ng isang artikulo sa Philippine Star noong 2002 tungkol sa parehong negosyante.
Ang sinasabing tweet umano ay ginawa ng CEO ng Rappler noong February 2019, ilang araw matapos siyang arestuhin dahil sa naunang kaso ni Keng.
Nag-post si Ressa ng mga screenshot ng isang article ng Star kung saan iniulat ang negosyanteng si Keng na tinuturing umano na "prime suspect" sa pagpatay sa dating konsehal sa Maynila na si Chika Go.
Samatala, ang Philstar.com, na nag-post ng mga artikulo sa Star online, ay inalis ang kwento noong 2002 mula sa website nito noong Pebrero 2019 matapos na gumawa ng aksyon ni Keng tungkol dito.
Hiniling ni Ressa na ibasura ng korte sa Makati ang kasong isinampa laban sa kanya.
Ayon pa sa mga abogado ni Ressa, walang defamatory na pahayag sa tweet nito na: “Here’s the 2002 article on the ‘private businessman’ who filed the cyberlibel case, which was thrown out by the NBI then revived by the DOJ. #HoldTheLine."
"As a citizen and as a journalist, accused enjoys the protection of the Constitution which guarantees her freedom of expression, freedom of opinion, and as a journalist, freedom of the press. The only limitations are those imposed by law and the decisions of the Supreme Court," ayon sa Free Legal Assistance Group, na kumakatawan kay Ressa.
"Keeping people informed, using any platform at her disposal (in this case, Twitter), is part of her duty as a journalist; certainly, the non-defamatory statement she wrote to inform people following her on Twitter falls under the exercise of her right under Article III, section 4 of the 1987 Constitution and cannot form the basis for this charge," ayon pa sa grupo
0 Comments