Ping Lacson on NPA deaths, soldiers: 'Parehong tragic dahil parehong Pilipino'

 



Para kay Senador Ping Lacson, kam*tayan man ng isang miyembro ng New People’s Army o sundalo ay nakakalungkot pa ring isipin sapagka’t parehong Pilipino.

Ito ang naging pahayag ng senador sa ikatlong pagdinig sa Senado patungkol sa red-tagging umano ng military sa mga indibidwal.

“As far as we are concerned, a dead NPA rebel or a dead soldier is only as bad and tragic as a dead Filipino. For we see no difference at all except probably the cause that they fought and died for,” ayon sa senador

Nagbigay ng pahayag si Lacson matapos iparating ng Pangulo ng Senado na si Vicente Sotto III ang "pinakamalalim na pakikiramay at simpatiya" ng Senado kay Bayan Muna Rep Cullamat para sa pagkawala ng kanyang anak na si Jevilyn.

Nasawi si Jevilyn matapos ang sagupaan ng tropa ng gobyerno at mga rebeldeng NPA sa Mindanao noong katapusan ng Linggo.

Bago ang pagdinig sa hinihinalang red-tagging ng mga opisyal ng militar, nagpahayag ng pakikiramay ang Senado kay Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat para sa pagkamatay ng kanyang anak na babae.

“On behalf of the Senate, I’d like to express our deepest condolences and sympathy to Bayan Muna Rep. Cullamat for the loss of her daughter Jevilyn,” ani Senate President Vicente Sotto III

“Our thoughts and prayers are with you and your entire family. May your beautiful memories sustain and bring comfort to you during this difficult time,” dagdag ng mambabatas

Ayon sa Philippine Army, si Jevilyn, na diumano’y nagsisilbing manggagamot para sa NPA, ay napatay sa pakikipag-engkwentro sa Philippine Army’s 3rd Special Forces Battalion (3SFBn) noong Nobyembre 28.

Samantala, para naman kay Cullamat, bilang isang ina ay ipinagmamalaki niya si Jevilyn na sumali sa NPA dahil umano sa patuloy na pang aabuso ng military sa mga lumad.

 

 

Post a Comment

0 Comments