Hindi umano
tatakbo pagka pangulo si Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa darating na halalan
ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“… And my
daughter, inuudyok man nila. Sabi ko, my daughter is not running,” banggit ng
pangulo sa inauguration ng Metro Manila Skyway Stage 3 nitong Huwebes.
Bago ito,
tinanggihan na ni Duterte ang mga panawagan sa kanya na pahabain ang kanyang
pananatili sa kapangyarihan.
Ayon sa
pangulo ay tatapusin niya lang ang kanyang anim na taong termino hanggang sa
Hunyo 2022.
“I have
told Inday not to run kasi naawa ako sa dadaanan niya na dinaanan ko. Hindi ito
pambabae,” ayon pa sa ama ng alkalde ng Davao City.
“Alam mo
the emotional setup of a woman and a man is totally different. Maging gag0 ka
dito. That is the sad story,” ani Duterte
Sa kanyang
talumpati, lantarang tinanggihan ng pangulo ang pagpapalawig ng kanyang
termino.
“Term
extension? My god!” ayon sa Chief Executive
“[Kahit]
ibigay mo sa akin on a silver platter, [kahit] ibigay mo sa akin libre another
10 years, sabihin ko sa ‘yo, p*tang i*a, iyo na lang yan, tapos na ako,” dagdag
pa nito
Kamakailan
ay muling pinagpatuloy ng House of Representatives ang pagtalakay sa pagbabago
ng Charter, partikular ang mga pag-amyenda sa party-list system at mga
probisyon sa ekonomiya.
0 Comments