Nagpunta na
sa tanggapan ng National Bureau of Investigation si Justin Rieta, ang
basketbolistang nadawit sa pagkasawi ng flight attendant na si Christine
Dacera, 23, noong January 1, 2021.
Nakaladkad
ang pangalan ni Rieta dahil isa ito sa mga naka checked-in sa Room 2207 ng City
Garden Grand Hotel sa Makati kung saan nagpabalik balik si Dacera noong araw
bago ito nasawi.
Si Dacera
at ang mga kaibigan nitong gay ay nanatili naman sa Room 2209 upang salubungin
ang pagpasok ng bagong taon.
Maliban sa
flight attendant, mapapansin din sa kuha ng CCTV na labas-masok din ang mga kaibigan
nito sa Room 2207.
Si Dacera
na natagpuan na wala nang malay sa bath tub kinaumagahan at hindi na nagising
pa. Siya idineklarang dead on arrival sa ospital na pinagdalhan sa kanya.
Sino nga ba
si Rieta na isa sa persons of interest sa kaso ni Dacera?
Ayon sa
isang ulat ng Remate, kakaunti lang ang nakakakilala umano kay Rieta sa mundo
ng basketball maliban sa mga madalas nitong nakakalaro sa mga liga.
Mayroong pa
umanong nagsabi na nag try-out din ito sa National University Bulldogs noong
panahon ni former coach Eric Altamirano bago mag-enroll sa Polytechnic
University of the Philippines.
Isa din daw
sa mga nilaruang koponan ni Rieta sa mga liga ay ang CAL Autoworks kung saan ay
isa sya sa mahuhusay na manlalaro.
Nang
magtungo ito sa NBI kasama ang kanyang abogado ay tinanggi nitong may naganap
na foul play at wala din umano siyang napansin na kahina-hinala nang makasama
nila ang grupo nila Dacera.
“Hindi ako
naniniwalang may naganap na krimen noong January 1 at wala rin akong kilala
kahit sino sa grupo ni Dacera o maging si Dacera na nasa Room 2209,” anito
Ayon pa sa
mga naging teammates ni Rieta, mahilig tlaga ito sa basketball at masipag din
sumali sa mga pa liga.
“Mabait na
tao ‘yan. Hindi dahil sa kilala ko siya, pero walang angal ‘yan sa court,” ayon
umano sa kaibigan nito
“Legit na
ball is life ‘yan. Sa isang araw, lalo na kapag mga Sunday, apat o limang laro
ang pinupuntahan at lalaruan niya,” kwento pa ng teammate ni Rieta
0 Comments