Nagbanta si PNP Chief Debold Sinas na tutugusin ng awtoridad ang mga suspect na dapat matagot sa pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera kung hindi sila susuko.
“This is a fair warning. Surrender within 72 hours or we will hunt you down using force if necessary,” ani Sinas sa isang pahayag
“We know who you are. Your family must turn you over to the police. Those found to be abetting your escape will also be arrested,” dagdag pa ni Sinas
Nauna nang sinabi ng PNP na tatlong katao ang naaresto at sinampahan ng kasong rape with homicide kaugnay sa pagkamatay ni Dacera.
Siyam na iba pang mga tao ang nananatiling nakakalaya sina; Gregorio Angelo de Guzman, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, Valentine Rosales, isang Ed Madrid, at isang tinawag na Paul.
Samantala, mariing itinanggi ni De Guzman ang paratang na ginahasa niya ang biktima.
Natagpuan si Dacera na walang buhay sa isang silid ng hotel sa Makati noong Bagong Taon.
Nagcheck umano ang dalaga kasama ang mga kabigan at kasamahan sa trabaho sa nasabing hotel upang ipagdiwang ang Bagong Taon.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabi rin na hindi alam ng dalaga na marami pala silang mag titipon-tipon noong araw na iyon, ngunit mayroon ding ulat na kilala umano nito ang manager ng Hotel.
Si Dacera pa umano ang nag book ng dalawang kwarto sa nasabing hotel.
0 Comments