Richard Durbin at Leila De Lima | Larawan mula sa Philstar |
Tiniyak ng
isang Amerikano senador na may mataas na posisyon sa United States Senate ang
patuloy na suporta kay Senador Leila de Lima ng halos apat na taon nang tinatawag
niyang “unjust and politically-motivated” detention.
Sa isang
tweet noong katapusan ng linggo, sinabi ng Demokratikong Senador na si Richard
Durbin mula sa Illinois na hindi ito titigil sa pagsuporta kay De Lima.
“will never
stop supporting your fight for human rights in the Philippines.” Ayon sa senador
Ang Amerikanong
mambabatas ay pangatlong pinakamataas na rango bilang miyembro ng Senate
Majority.
Si Durbin,
kasama ang mga kapwa senador na sina Patrick Leahy at Edward Markey, ay
inatasan na bawal na pumasok sa Pilipinas kasunod ng kanilang apela para sa
agarang pagpapalaya kay De Lima.
Si De Lima
ay nakakulong dahil sa kasong may kinalaman sa pinagbabawal na gamot. Siya ay
isa din sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang tweet
ni Durbin na nangangako ng suporta para kay De Lima ay bilang tugon sa post sa
Twitter noong huli noong Enero 26 ni De Lima na bumati naman kina Durbin at
Leahy sa pagkakaluklok ng mga ito sa pwesto sa Senado.
“May you
continue to champion human rights as you embark in the next chapter of your
country’s journey,”ayon sa naunang tweet ni De Lima
“Thank you,
[Sen. De Lima]…And as the four year anniversary of your unjust &
politically-motivated arrest approaches, I want to assure you that I will never
stop supporting your fight for human rights in the Philippines,” tugon naman ni
Durbin
Matatandaang
si Durbin at Leahy ang nagpakilala ng isang amendment sa 2020 State and Foreign
Operations Appropriations Bill na naghahangad na ipagbawal ang pagpasok ng mga
opisyal ng Pilipinas sa US.
0 Comments