Hinimok ni
Bise Presidente Leni Robredo nitong Linggo ang gobyerno na agad kumilos at
talakayin ang pandaigdigang pang-ekonomiyang forecast na ang Pilipinas ang
huling bansa sa Asya ang makaka recover matapos na makakuha ng negatibong 9.5
na pag angat ng ekonomiya sa taong 2020.
Sa kanyang
lingguhang programa sa istasyon ng radyo na DZXL, sinabi ni Robredo na sa halip
mangatwiran sa di magandang katayuan ng ekonomiya ng bansa, dapat umano tugunan
ng mga opisyal kung paano ito maiiwasang mangyari.
“The
comparative analysis in Asia is really alarming. There is a prediction that the
Philippines will be the last to recover because of the quality of pandemic
response we have. Again, what I am saying is instead of defending it, accept it
and properly act on it,” Ani Robredo
Binanggit din
ni Robredo ang isang ulat kung saan ang Pilipinas ay niraranggo bilang pang 79 sa
98 bansa pagdating sa usaping pagtugon sa pandemic.
Ang
tinutukoy ni Robredo ay ang resulta ng pag-aaral ng think-tank ng Australia na
Lowy Institute na ipinakita na nahuli ang Pilipinas sa pagsugpo ng virus.
Ang
pag-aaral na inilabas noong Enero 28 ay nagpakita na ang Pilipinas ay
nakapuntos ng 30.6 sa 6 na batayan na ginamit ng Lowy Institute sa COVID
Performance Index na sinubaybayan ang mga bilang ng coronavirus ng halos 100
mga bansa.
“Based on
the response of the government, officials are still defensive, they are trying
to justify the low response that we have. Instead, the officials should look
for solutions to ensure this forecast will not work,” giit ni Robredo
Pinuna din
ni Robredo ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa na pinakamalubha umano
mula World War 2 noong 1947.
“Not to
mention there was a war during that time. Yes, we have pandemic but the quality
of response is far behind compared to our neighboring countries. They are also
hit by the pandemic but how come their economy is better than ours,”dagdag niya
Sinabi ni
Robredo na dapat tigilan ng mga opisyal ang paggawa ng propaganda at sa halip
ay ituon ang pansin sa mga solusyon.
“The
government should act on the problems. Otherwise, more people will get poorer,”
babala ng bise president matapos punahin ang patuloy na pag taas ng presyo ng
mga bilihin.
0 Comments