Robredo magre-retiro kung magpasya ang anak na si Aika na pumasok sa pulitka

  


Ayon kay Bise Presidente Leni Robredo, mag reretiro lamang umano siya sa pulitika kung susubukan ng kanyang anak na si Aika na tumakbo sa darating na halalan sa 2022.

Ani Robredo sa isang panayam sa GMA News nitong Sabado, nilinaw niya kay Aika na hindi maaaring nasa pulitika sila parehong mag ina.

Inaanyayahan umano si Aika na tumakbo sa pagka-gobernador ng Camarines Sur, isang posisyon na kasalukuyang hawak ni Miguel "Migz" Villafuerte, na nasa kanyang huling termino.

“Sinasabihan ko nga si Aika, sinasabihan ko na siya na, ‘O, pinapakiusapan na naman ako na mag-kandidato ka.’ Sabi ko, ‘Kung gusto mo, ikaw na. Magre-retire na ako. Tutulong na lang ako sa iyo pero hindi puwedeng sabay tayo.’ Pero sabi ng anak ko, ayaw niya,” ani Robredo

Sinabi ng ikalawang pangulo na inalam niya ang ideya ng pagtakbo para sa gobernador mismo matapos niyang malaman ang tungkol sa mga panawagan na tumakbo ang kanyang anak.

“Noong kinausap ako ngayon na kung puwede akong magkan—ay, kung puwede raw si Aika kumandidato ng governor, ang sabi ko bakit si Aika? Bakit hindi ako? So sa akin siya nagsimula,” aniya


Post a Comment

0 Comments