Photo courtesy of dwizBB |
Nagpahayag ng pagkabahala ang House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate tungkol sa serye ng raid, pag-aresto at pagpatay sa mga grupo ng aktibista at mga pumupuna sa administrasyong Duterte.
Aniya, ito ay may kinalaman sa nalalapit ng eleksyon sa 2022, at isa itong paraan upang mapahina at mapigilan ang pagkilos ng oposisyon na nagbabalak lumahok sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.
Tinawag pa ang sunod-sunod na pang-aarestong ito sa mga lider ng militanteng grupo bilang “Huli Week,” na sinabay pa umano sa paparating na Semana Santa o "Holy week" ayon sa Makabayan bloc.
“While these systematic attacks are still part of the Duterte administration’s warped and militarist campaign against progressive organizations, clearly, it is also aimed at serving a chilling message to the political opposition,” pahayag ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.
Sinabi din ni Zarate, maari pang umigting ang mga nasabing panghuhuli ng mga pulis sa mga proresibong grupo ng mga aktibista sa mga susunod pang panahon.
“Since progressive groups are part of a broad coalition efforts of fielding credible opposition candidates in next year’s polls, these attacks will apparently even intensify to cripple the opposition this early. We can see that the attacks are nationwide and targeting legal activists who are part of the Makabayan campaign machinery for the coming elections,” ani Zarate.
Ayon pa kay Zarate, may mga balita na gumagamit ang PNP ng mga unserved warrants mula sa korte sa Central Luzon gaya na lamang nitong mga nakaraang paghuli at pag-aresto sa dalawang lider ng aktibistang grupo sa Pampanga at Tarlac nito lamang Martes, Marso 30.
“This is similar to the request for a list of lawyers representing alleged communist rebels in Samar. Seemingly, this is a nationwide PNP modus and now one of the vicious and dastardly weapon of the PNP and other state forces, other than the filing of trumped up charges against their hapless victims,” ayon sa Makabayan bloc repersentative.
0 Comments