Spokesman Harry Roque nagpositibo sa COVID-19

 



Ayon sa ulat ng Philstar, kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 si presidential spokesperson Harry Roque ayon mismo sa kanyang pahayag kaninang umaga.

"As of 11:29 this morning, nakuha ko po ang resulta, nagpositibo po ako para sa COVID," sambit ni Roque sa isang press briefing kanina.

"Itong test ko kung saan tayo nagpositibo, ito po ay kahapon lamang, para nga po sana ngayon, para sa pagpupulong kay presidente mamaya, at dito po lumabas na tayo po ay positibo." Ani Roque

Asymptomatic o walang sintomas ng nasabing virus si Roque kaya naman siya ay nagulat sa naging resulta ng kanyang test.

Noong ika-10 ng Marso ay nagpa test din si Roque bago samahan si Pangulong Duterte sa Dumaguete noong Huwebes, ngunit siya naman ay nag negatibo.

Dahil negatibo ang unang resulta, pinakalma ni Roque ang mga pangamba ng mga taong kanyang nakasama sa Ilocos noong nakaraang Linggo. Gayunpaman, sinabihan niyang mag quarantine ang mga ito para na rin sa kaligtasan ng nakararami.

'Yung mga nagkaroon po sa akin ng close contact, I ask you po for your indulgence, pero kinakailangan po ninyong mag-quarantine kung kayo po ay nagkaroon ng close contact sa akin," ayon pa sa tagapagsalita ng palasyo

Iginiit naman ni Roque na hindi niya nalapitan si Pangulong Duterte kaya wala umanong dapat ikabahala sa kalusugan nito.

"Negative po tayo for the Dumaguete trip and I did not have any close contact with the president. Hindi po ako nakalapit sa kanya, just from afar," paliwanag niya

Pati ang kanyang misis ay pagpapa-test din dahil kasama niya ito sa pag tulog.

"If she turns out also positive, mag-a-isolate na po siguro kaming magkasama. Pero if she turns out negative today, I intend to go to an isolation facility also because we have to walk the talk," saad pa niya

 

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments