Kapitan ng Holy Spirit sinabing malaking pagkakamali ang imbitasyon ni Angel sa kanyang followers: 'Wala ba silang common sense man lang?'





Maaaring masampahan ng kaso ngayon ang aktres na si Angel Locsin ng pamunuan ng Brgy. Holy Spirit dahil sa nangyari sa itinayo nitong community pantry na naging dahilan ng pagkasawi ng isang matanda.

Ayon sa kapitan ng barangay, hindi umano nakipag ugnayan sa kanila ang grupo ng aktres kaya naman wala ring plano kung paano maiiwasan ang sakuna at masusunod ang health protocols.

Nagpatayo si Angel ng community pantry bilang selebrasyon sana ng kanyang kaarawan noong April 23.

Ngunit sa dami ng taong dumagsa sa lugar ay hindi rin na kontrol at nagkagulo pa ang mga tao na nais makakuha ng ayuda at masilayan ang aktres.

Dahil dito, isang senior citizen ang inatake sa puso at binawian ng buhay habang ito ay nakapila at umaasang makakakuha mula sa community pantry.

Hindi rin umano kinaya ng mga barangay tanod ang sobrang dagsa ng tao noong araw na iyon.

Ayon pa sa kapitan ng barangay na si Felicito Valmocina, “Ang follower niya sa Facebook pina-trace ko sa aking mga IT, 21 million sa Facebook, sa kanyang Instagram 8.6-M, sa kanyang Twitter 12.6-M. Kaya pala kako ang lahat ng mga tao na taga iba-ibang lugar ay pumunta dahil dito sa post na ito.

Galit na ang tao, nag mumura na. Dikit dikit na at tsaka nila sinabi na 300 lang daw ang kaya nila. Eh alam naman nilang napakaaga pa, libo-libo na ang tao. Wala ba silang common sense man lang?”

Samantala sa pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte pinaalalahanan nito ang mga organizers na dapat na makipag-coordinate sa mga opisyal upang mabigyan sila ng sapat na assistance.

“While Quezon City will continue to throw its full support behind community pantry initiatives, this unfortunate incident should serve as an important reminder for organizers to please be reminded of my appeal to coordinate all efforts with the barangay, and if necessary, with the LGU (local government unit),”

Sinabi pa ng alkalde na posibleng may pagkakaiba ang nangyari kung ipinaalam lamang ni Locsin ang pantry.

“Advanced coordination will allow all stakeholders to be proactive, rather than reactive. Sadly, in this case, we were not advised regarding any plans,” dagdag pa ni Belmonte.

Ang senior citizen ay nakilala na si Rolando Dela Cruz na  nahimatay habang nasa pila sa Community Pantry ni Locsin sa Holy Spirit Drive, Don Antonio Heights, Barangay Holy Spirit Q.C at idineklarang dead on arrival sa ospital.

Napag-alaman din na dakong 3:00 ng madaling araw ay nakapila na si  Dela Cruz na isang balut vendor.

Todo hingi naman ng paumanhin ang aktres sa kanyang Instagram “Habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila” na ang tinutukoy ay ang pamilya ng biktima. 

Post a Comment

0 Comments