Screencap photos from GMA News "Unang Balita" |
Dahil sa April fool's day na kilala bilang araw ng mga practical jokes, biruan at katatawanan. Halos saang lupalop man ng mundo ay alam kung ano ang April fool's Day.
Ngunit paano kung ang kapulisan ang gumawa nito sayo? Sigurado ay iikot ang tumbong mo sa takot, dahil seryosong bagay na kapag involve na ang kapulisan. *
Gaya na lamang ng nangyari sa Angeles, Pampanga dahil sa isang prank kung saan ay sinibak sa puwesto ang lahat ng pulis sa Police Station 5 sa Angeles City, Pampanga matapos sumali sa April Fools prank video.
Ayon sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, sinabing nakita sa video ang dalawang pulis na nagpakilalang nakatalaga sa naturang presinto ang naghain ng warrant of arrest at may isinasakay na tao sa kanilang patrol car.
Pero kalaunan ay isa lang pala itong prank o biro lang na biro at hindi tunay na operasyon ang kanilang isinagawa.
HIndi naging nakakatuwa ang nasabing biro para sa DILG, at kanilang sasampahan ng kasong administratibo ang mga nasangkot na pulis dahil sa paglabag sa health protocols kaugnay sa pag-iingat laban sa COVID-19.
Kasamang sasampahan din ng kaso ang mga taga-entertainment organization na kasabwat ng mga pulis sa naturang prank video.
Umalma naman ang abogado ng may-ari ng entertainment organization na si Paul Sy at sinabing magkakasama naman umano sila sa bahay dahil pawang mga stay in ang mga ito sa kanyang bahay.
Sinabi rin nito na sa pangalawang bahagi ng video ay namimigay sila ng mga ayuda, face mask at face shield sa lahat ng police outpost at maging sa mga less fortunate nating kababayan sa nasabing lugar.
Sa isang pahayag nitong Linggo, sinabi ni Police Regional Office-3 director Police Brigadier General Valeriano de Leon, na hindi siya makikialam sa usapin pero hindi raw niya kokonsintihin ang naturang gawain ng mga pulis.
Ipinag-utos din ni General De Leon na imbestigahan ang insidente. Napag-alaman na si Angeles City Mayor Carmelo Lazatin ang nag-utos na alisin sa puwesto ang mga pulis.
0 Comments