'Natatakot po ako' - Grab rider sa viral "lugaw" video humihingi ng tulong matapos siyang i-haras ng mga kahina-hinalang lalaki

 

Larawan mula sa Facebook



Matapos mag viral nitong kamakailan ng grab rider na si Marvin Ignacio dahil sa "Lugaw" ay humingi ito ng tulong sa publiko matapos umano siyang i-harass ng ilang lalaki na pumunta pa sa kanyang bahay.


Sa isang Facebook live sinabi ni Marvin na siya ay umaapela ng tulong matapos na puntahan siya ng tatlong lalaki nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Grab driver, nagdala umano ang mga lalaki ng parang memoramdum na nag uutos na ipasara ang tindahan ng lugaw na kanyang pinag bilhan noong Martes ng umaga.


Para kay Ignacio, kahina-hinala ang mga ikinilos ng tatlong lalaki na pumunta sa kanyang tahanan kahit oras na ng curfew. Aniya, sinigawan pa siya ng mga ito.


“Sana po matulungan ninyo kami. Pinagiinitan na naman yung Lugaw Pilipinas. May nagpunta po doon, tama po ba yun… Pasensya na po ha, kasi natatakot ako… Baka saktan nila ako


“Kahina-hinala yung galaw nila. Wala silang kasamang barangay tanod, wala silang [police] mobile. Naka-motor lang talaga sila, tapos ang gusto nila isara yung tindahan kasi mayroon daw silang memo na pinapakita


“Kung nakita nyo lang kanina paano ako brasuhin ng mga mama na ‘yun" Ayon sa takot na Grab rider




Nag viral ang video ni Ignacio sa social media noong Miyerkules matapos siya harangin ng babaeng enforce o tauhan ng Barangay Muzon na pumasok sa lugar ng kanyang pag dadalhan sana ng "lugaw" na order ng kanyang customer.


Iginiit ng tauhan ng barangay  na hindi daw essential o mahalaga ang lugaw kaya hindi ito maaaring payagan na makapasok sa lugar.


 "Awit sa inyo Barangay Munzon! 'Di niyo alam sinasabi niyo. Ewan ko sa inyo 'di ako makasagot naka display panicket nung pulis sakin. 'Di daw essential si Lugaw Pilipinas pero yun yung pinapakain ni Leni Robredo sa feeding program niya. Asan yung logic? Please enlighten me. Iba talaga pananaw ng Brgy. Muzon sakit niyo po sa ulo." ayon sa caption ng video na binahagi ni Ignacio 


Sa isang post  pa ay sinabi ny rider na siya ay naghahanap buhay lang at hindi sila lumalabag sa batas.


"Para po sa mga nagsasabing Non-Food Essentials yung trending lugaw natin. Nandito po pala ako ngayon sa West Gumaoc yung lugaw na sinasabi niyo inoorder nila. Galing pa ng Harmony. Sana ma-enlighten din po kayo. Godbless di po kami law violators naghahanapbuhay lang po kami. And I, thankyou."

Ang video na ito ay kumalat sa social media at nagkaroon pa ng mga memes. Ito ay nakarating din sa Malacanang, kaya naman nilinaw na din ng palasyo na "essential" ang lugaw.






Post a Comment

0 Comments