Regine Velasquez dismayado sa gobyerno dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID: “Bakit parang pinabayan na lang tayo?”

Photo courtesy of LionheartTV


Naging isang malaking balakid na sa ating buhay at maging sa ating ekonomiya ang problemang kinakaharap na dulot ng pandemyang Covid 19.


Madami nang nagbuwis ng buhay, mga frontliners na walang sawang nagbibigay ng kanilang oras at buhay dahil sa pakikipaglaban sa nasabing mapanganib na sakit.


Halos lahat ay dismayado na, tila nababagalan sa takbo ng ating mga namumuno sa pamahalaan. Kabi-kabila ang sisihan.


Isa na nga rito sa mga panibagong naglalabas ng hinaing sa ating gobyerno ay ang isa sa primyadong singer ng ating bansa na si Regine Velasquez.


Naglabas ng pagkadismaya ang singer-actress sa kanyang Twitter account kamakailan patungkol sa pamamalakad na ating gobyerno sa patuloy na paglala ng bilang ng kaso ng coronavirus sa bansa.


Ayon sa tweet ni Velasquez nitong Biyernes, inilabas niya ang kanyang saloobin sa araw-araw na laman balita ng mga taong namamatay.


“Bakit parang pinabayan na lang tayo?” ani Regine sa kanyang tweet “Kanya kanya matira matibay ganon na lang ba talaga?” 


“People are dying people we know relatives friends! Every single day may nalalagas sa atin.  What’s happening??” dagdag pa nito.


Umabot na sa 7,312 like ang nasabing tweet ni Regine habang may 1,282 retweets ito sa social media. 


Samantala, agad namang umalma ang mga taga suporta ng administrasyon lalo na ng Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pahayag ng  Asia's songbird, habang ang iba naman ay nagtanggol sa singer-actress sa ginawa nitong obserbasyon.


Ang ibang netizen naman ay nagmungkahi na imbes na manisi ng manisi ay nanawagan na lang ang mga ito na makipagtulungan na lamang sa gobyerno at  huwag ng isisi ang nangyayaring pandemya sa pamahalaan.

Post a Comment

0 Comments