Tinawag na asal tuta ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate si Pangulong Rodrigo Duterte dahil umano sa pagiging malamya nito sa patuloy na pagkubkob ng ating teritoryo.
Aniya, patuloy na pangbu-bully ng bansang China sa ating mga sinasakupang mga isla sa ating "Exclusive Economic Zone" (EEZ).
Giit pa nito, kung naging matigas at may paninindigan sana ang pangulo noong una pa lang na nagsisimula ang China sa pangangamkam ng ating mga karagatan, at ipinagtanggol ang tunay na pagmamay-ari ng Pilipinas sa mga naturang isla na una nang kinatigan ng mga Internation court of arbitration, di sin sana ay napigilan na ito.
Sa kabila ng patuloy na pagkamkam ng China sa ating EEZ, nais din ni Zarate na isang tabi na muna ni Duterte ang pagiging malamya nito at pagpayag sa bawat hakbang at polisiya ng China para sa kanilang sariling interes.
“Amid this continuing arrogant occupation of our EEZ and other territories, the Duterte administration should set aside now this subservient pivot to China policy,” pahayag ni Zarate.
“Very clearly now, the country’s Julian Felipe Reef, which China now superciliously claims also as its own, is a target for full occupation and even possible conversion into another military installation in the area.” dagdag pa ng subersibong kongresista.
Una ng nagbigay ng pahayag si Zarate sa Chinese Embassy tungkol sa insidenteng nabanggit, at tinawag nito ang China bilang "unprofessional".
Nagbigay din ng pahayag si Philippine Defense chief Delfin Lorenzana at inaatasan nito ang mga chinese ships na lisanin na ang Julian Felipe Reef.
Sinabi umano ng China na pansamantala lamang silang huminto sa Julian Felipe reef upang umiwas sa masamang panahon. Ngunit kalaunan ay inaangkin na nila ito at ngayon ay tinawag pa nilang Niu’e Jiao bilang parte umano ng isla ng Nansha.
“China is clearly misleading the Philippine government and brazenly covering up the real purpose why Julian Felipe Reef is being swarmed by its maritime militia,” ani ng Makabayan bloc Representative.
“The Chinese maritime militia fleet is not there because of a weather disturbance but as a prelude to fully occupying Julian Felipe Reef, do reclamation activities and convert it into another artificial island-cum-military installation, like what they did to at least seven of our reefs.” ani pa nito.
Pinagdidiinan din ni Zarate na hindi dapat pumayag ang ating gobyerno na ipamigay ang ating mga yamang dagat kapalit ng COVID-19 vaccines na sinasabing donasyon umano ng China.
“We should not allow that these donated vaccines by China be like the biblical ‘thirty pieces of silver’ that will further betray and sell out our national sovereignty and sovereign rights in our territories,” ayon pa sa kongresista.
0 Comments