National Artist kay Pangulong Duterte: 'next to Magsaysay, the best president we ever had'

Literature National Artist F. Sionil Jose and President Rodrigo Duterte

 

Ayon sa isang National Artist ng literature na si F. Sionil Jose, si Pangulong Rodrigo Duterte ang sunod kay yumaong Pangulong Ramon Magsaysay sa “pinakamahusay na pangulo” ng Pilipinas.

Sa kanyang column sa Philippine Star nitong Mayo 3, pinuri ni Jose si Duterte sa pamumuno nito na maging ligtas ang bansa at mas matatag na ekonomiya.

“It may turn out that for all his vulgar language, Rodrigo Roa Duterte may yet be, next to Magsaysay, the best president we ever had.

All the criticisms considered, just remember this – the country is far safer now than at any other time. And inspite of the poverty, the economy is sure to recover; our foreign reserves are the highest ever,” ani Jose

Pinuri rin ng manunulat ang mga infrastructure na naipatayo sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Jose na umaasa siya na magtatapos ang rebelyon ng Moro at ang kilusang komunista sa bansa.

“The Moro rebellion, I hope, will now wind down as the Moros themselves realize development will assure them peace. As for the communists, their terr0rist front, the New People’s Army, is now under attack. I hope it is demolished soon.” Ayon sa National Artist

“The Communist Party was decriminalized by President Ramos, but no politician wants to proclaim himself a communist.” Saad pa ni Jose.



 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments