Duterte kay Gordon at Drilon: 'di ako aabot sa presidency, from my mayorship to the presidency kung corrupt ako kagaya ninyo

 

Mga larawan mula sa Google at Facebook


Muling binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador sa imbestigasyon ng Senado sa pagbili ng gobyerno ng COVID-19 supplies.

Ayon sa pangulo, hindi umano siya mananalo sa pagka pangulo kung siya ay isang korap.

“‘Wag po kayo magpadala dyan sa mga intriga na ako raw ay abogado (ng Pharmally). Alam ninyo sa totoo lang, Gordon at Drilon, di ako aabot sa presidency, from my mayorship to the presidency kung corrupt ako kagaya ninyo, kung tumatanggap ako ng mga *****ina, ng mga campaign funds d’yan sa mga tao na alam ninyo na gumagawa ng kalokohan kasama ‘yung mga miyembro ng Congress,” ayon kay Duterte  sa isang recorded na briefing video nitong Miyerkoles ng umaga.

“Kayo d’yan ang may butas wala kayong makuha sa amin. It’s not in my system about corruption and money. Ibang bagay siguro masabi mo mayroon ako, pero hindi sa pera,” dagdag pa niya

Sinabi pa ng pangulo na maaari pa umano siyang mabatikos tungkol sa kaniyang personal na buhay, ngunit hindi ang pagiging korap.

“My personal life, there are some who would like to criticize me and as a public official I have to accept the criticisms. Pero yung sinasabi niyong pera, ako ang abogado, lumang tugtugin na ‘yan alam mo sa totoo lang I would not be President Duterte kung corrupt ako kagaya ninyo,” aniya

Samantala, sa isang statement naman, sinagot ni Drilon ang pangulo at sinabing hindi umano siyang naging korap simula nang siya ay pumasok sa serbisyo.

“I am not corrupt. I take exception to the statement made by the President. Since I joined the public service in 1986, I have faithfully adhered to the highest moral standards. I have strictly conducted myself within the standards embodied in the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees and our anti-graft laws,” ayon naman kay Drilon

“My record is clear and my conscience is clean. In my 32 years in public service - nine years in the executive and 23 years in the legislative - I have never been tried for corruption in the Ombudsman or Sandiganbayan. I have always endevoured to protect my family name. Aside from the laws that I have authored in my 23 years as senator, all I want to leave as legacy when I retire from politics next year is my good name,” dagdag pa ng Senate minority leader

 

Post a Comment

0 Comments