Tiyak umano ni franchise expert Atty. Rolex Suplico na sa
bagong development ngayon sa isyu ng ABS-CBN Franchise na wala na itong
babalikang Channel 2.
Nasabi ito ni Suplico matapos makupirma na naigawad na ng National
Telecommunications Commission (NTC) ang provisional authority sa ibang kumpanya
para doon sa frequencies na ipinahiram ng pamahalaan sa Kapamilya Network.
Pinayagan na ng NTC ang Advanced Media Broadcasting System
(AMBS) na umano’y pag-aari ng pamilya Villar na makapag-operate ng digital TV
sa Metro at Mega Manila gamit ang Channel 16.
Maliban dito ay pinayagan din ang kumpanya na mag-test
broadcast sa Analog TV gamit ang Channel 2- ang dating channel ng ABS.
Dahil umano dito, malabo na ang pag-asa na makuha muli ng
Kapamilya Network ang dating mga hinahawakang channel nito.
‘Wala siyang karapatan doon sa frequency niya dati. Bakit?
Kasi ang may-ari ng frequency po ay ang estado. So kung ikaw ay kukunin uli ng
estado ang frequency dahil katulad ng ABS-CBN wala kanang prangkisa ay maaaring
ipamimigay yan sa ibang entity na mayroon namang prangkisa,’ paliwanag ni
Suplico.
Ayon sa NTC, tatagal ang test broadcast gamit ang Channel
2 hangga’t hindi ipinapatupad ang
‘analog shut-off’ sa bansa.
‘On the bigger picture, nakita ko na for the first time ang
Kongreso po ay tumayo against an oligarch. Never nangyari ito sa ating bansa.
Kasi kilala natin ang ABS-CBN, yan po ay gumagamit ng media as a weapon,’ ani
Suplico.
Magkahalong suporta at pagkontra naman ang naging reaksyon
ng mga netizens ukol sa baliltang ito, nagtrending din sa Twitter ang hashtag
Channel 2.
Ngunit para kay Suplico, malinaw ang mga naging paglabag
kaya wala na sa ere ang dating malaking network.
‘Pero alam niyo binabantayan din namin nationwide eh. May
iba ang sabi daw na baka mamaya yung advance media kinuha yung sa buong bansa
ang TV frequencies ng ABS-CBN. Hindi na pa namin alam yun ha,’ ani Suplico.
0 Comments