Larawan mula sa YouTube video ng programang Raffy Tulfo in Action |
Maraming netizen ang nag init ang ulo matapos mapanood sa
programang Raffy Tulfo in Action ang reklamo ng isang anak sa kanyang ina na
hindi daw nagpapadala ng perang sustento sa kanila.
Sa episode ng ‘Raffy Tulfo in Action: Wanted sa Radyo’ inireklamo
ni Jerald Reondangga na hindi umano nagpapadala ng regular ang kanyang ina na
si Bernadette Montaniel para sa kanilang magkakapatid sa Pilipinas.
Ngunit sa halip na sa nagrereklamo mapunta ang simpatya ng
mga netizen ay malaking pagka dismaya ang kanilang naramdaman at awa para sa
inang inirereklamo.
Kahit sino ay hindi magugustuhan ang naging pagsagot-sagot ni
Jerald sa kanyang ina, na ayon sa kanya ay maliit lang daw ang pinapadala nito,
na minsan pa ay sa ibang tao nito ipinapadaan imbes na idiretso sa kanila.
Ipinaliwanag naman ng ina na maliit lang daw ang kanyang
sahod bilang domestic helper sa ibang bansa, bukod dito ay marami din siyang
binabayaran.
Larawan mula sa YouTube video ng programang Raffy Tulfo in Action |
Aniya, inuuna niyang bayaran ang motor at traysikel na
kanyang inutang, bagay na ginagamit ng kanyang mga anak.
Hindi rin naman daw pumapalya si Bernadette sa pagpapadala,
lalo na sa tuwing kaarawan ng mga anak. Dismayado din ang ina dahil hiling ng
anak ay bonggang handa dahil maraming kaibigan at barkada ang bisita. Binilhan
din umano ng ina ng tag iisang cellphone ang mga bata para hindi ito makaramdam
ng inggit sa ibang mga bata.
Lumabas din sa naging usapan na kinagagalit ng anak na hindi
sila mabilhan ng bahay at lupa ng kanilang ina. Reklamo ni Jerald, wala silang
maayos na palikuran at nakikigamit pa sila ng banyo sa kapitbahay.
Sa isang bahagi ng usapan ay binara pa ni Jerald ang kanyang
ina at sinabing huwag muna itong sumabat at hindi pa siya tapos mag salita.
Labis na kinasama ng loob ng ina ang ginawa ng kanyang anak na
nagawa pa siyang ipa-Tulfo nito gayong maaari naman sana nilang pag usapan ito
nang hindi lumalabas sa media.
Larawan mula sa YouTube video ng programang Raffy Tulfo in Action |
Narito naman ang naging pahayag ng ilan sa mga netizen na
nakapanood:
“Sending hugs and love for Nanay. Grabe ang sacrifices
n’yong OFWs sa family at sa bansa. You all deserve honor and love.”
Hindi namumulot ng pera ang OFW! Malayo na sa pamilya! What
a sacrifice for all of you! Yan pa gagawin n’yo? Gooosssssh!!! Please be
grateful of what you have!!!! Nanay, you already did your best! And be strong
ka lang po. God bless Nanay.”
“The audacity of her son! Lumalaki na kayo, you can already
work hard for anything na gusto ninyong magkaroon! Hindi lahat i-aasa sa
parents since of legal age na kayo. Masuwerte kayo kahit malalaki na kayo may
sustento pa kayo from your parents. You should be grateful! Hugs mommy for all
your sacrifices for your family.”
“Mahalin mo nanay mo Jerald. Kung hindi niya kayang
i-provide yung mga gusto mo, ikaw magtrabaho para makamit mo yung mga bagay na
‘yun. Ipagdasal mo na lang na sana laging maging okay ang health ng mama mo.
Trabaho ng DH, all around yan. Ilang oras lang tulog nila, tinitiis yung pagod,
puyat mapadalhan lang mga kapamilya sa Pilipinas. Magtrabaho ka and mag-ipon
paunti-unti, kaya mo ‘yan. Wag i-asa lahat sa magulang. Sariling sikap is the
key.”
“OFW dn me dti alam q yon hirap ng isang ina n buwan2x
nagpapadala ng pra s pamilya kya huwag husgahan ng anak yon ina nia n konti lng
pinapadala”
0 Comments