Larawan mula sa SMNI |
Nasawi ang isang Top 2 New People’s Army (NPA) leader sa
isang engkwentro sa pagitan ng military at Communist T*rr0rist Group (CTG) sa
Barangay ng Kalabugao sa Impasugong, Bukidnon.
Ayon sa ulat ng SMNI News, kinilala ang nasawi bilang si Pedro
Codaste alias Gonyong/Serv, 2nd top-ranking NPA Commander ng Mindanao.
Ayon pa kay LtGen. Greg T. Almerol, Commander ng Eastern
Mindanao Command (EastMinCom) inilalarawan ang naturang rebelde na “running
like a headless monster.”
Si Codaste ay kinilala bilang Acting Chairman ng Komisyun
Mindanao (KOMMID) ng NPA matapos ang pagkamatay nina Antonio Cabanatan, Jorge
Madlos, at Menandro Villanueva.
Miyembro rin si Codaste ng Central Committee ng Communist
Party of the Philippines (CPP), National Democratic Front (NDF) Consultant,
Deputy Secretary ng KOMMID, dating Secretary ng Guerilla Front 4A (FG4A) sa
Agusan del Sur noong dekada 90, at kalaunan ay naging Secretary ng North
Central Mindanao Regional Committee noong 2009.
Sa pinaigting na opensiba ng militar laban sa CTG, naglunsad
ng operasyon ang pinagsanib na 402nd Brigade ng 4th Infantry Division (4ID),
16th Infantry Battalion, Special Action Force (SAF) ng Philippine National
Police (PNP), at intel units matapos makatanggap ng impormasyon mula sa
concerned citizens na nasa lugar ang armadong grupo.
Umabot umano sa 30 minuto ang bakbakan sa pagitan ng militar
at 15 armadong miyembro ng CTG na naging sanhi ng pagkamatay ni Codaste at
isang alyas Zandro.
Matapos ang bakbakan ay narekober sa lugar ang dalawang
armas ng AK47 Rifle, at isang Caliber .45 Pistol, isang Anti-Personnel Mine
(APM), at tatlong backpacks na may personal na gamit, at mga dokumento.
Larawan mula sa SMNI |
Ayon kay LtGen. Almerol, ang pagkamatay ni Codaste ay
nagbibigay hustisya sa mga biktima ng kanyang kalupitan sa Mindanao.
Si Codaste ay mayroong umanong multiple warrant of arrest
dahil sa murder, double frustrated murder, at attempted murder mula sa Regional
Trial Court, 10th Judicial Region ng Malaybalay City, Bukidnon simula noong
Agosto 2018.
Dahil sa pangyayari, nakikinita umano ni Almerol na mas
maraming miyembro pa ng NPA ang magbabalik-loob sa pamahalaan dahil sa
pagkawala ng kanilang mga lider.
“We are seeing a snowball of surrender in the coming days
with the successful neutralization of another CTG head. This is possible as the
operational balance of the CTG continues to crumble while the morale of their
followers depletes after series of engagements with our troops,” ayon kay Almerol
“May you follow the steps of your former comrades who are
now living a peaceful and comfortable life under the care of the government as
beneficiaries of the Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
All you need to do is make that decisive action to peacefully surrender and we
will ensure your safety and protection,” panawagan ni Almerol
Pinuri din ng opisyal ang mga tropa ng 4ID, PNP, at intel
units dahil sa matagumpay na neutralisasyon ng isa pang wanted NPA leader sa
Eastern Mindanao.
Nagpasalamat din si Almerol sa mga taong naninirahan sa
komunidad dahil sa aktibong pagbahagi ng impormasyon sa militar na syang naging
instrumento para sa katagumpayan ng kanilang operasyon sa Eastern Mindanao.
0 Comments