Direk Manny Castaneda, dumepensa kay Toni at niresbakan ang mga 'Pinklawan': Masyadong agresibo, palaaway, at bastos

 




Sa isang post sa kanyang Facebook account, binatikos ng kilalang director ang mga tinawag niyang ‘Pinklawan’ dahil sa pagiging palaaway at bastos ng mga ito.

“Masyadong agresibo, palaaway, at saksakan ng bastos,” ayon kay Direk Manny sa kanyang post.

Sinabi pa ng direktor na isa lamang si Toni Gonzaga sa maraming showbiz personalities na hindi boboto kay VP Leni Robredo.

“Tulad ni Toni Gonzaga, maraming mga artista at mga taga showbiz ang hindi boboto kay Leni Robredo pero tahimik lamang sila,” ayon sa sikat na direktor.

Ayon pa kay Direk Manny, naobserbahan niya ang isang wave ng mga artista na nagbago ng isip, at imbes na si Robredo ay ibang kandidato ang piniling suportahan.

Iniugnay ito ng direktor sa sinasabi niyang masamang ugali ng Pinklawan o ang mga taga suporta ng bise presidente na tumatakbong pangulo sa darating na halalan.

“At kapansin-pansin din na lalong dumarami ang mga artista na umaayaw kay Leni dahil sa mga masamang ugali ng mga Pinklawan,” ayon sa direktor

Ang post na ito ni Direk Manny ay umani ng iba’t -ibang reaksyon mula sa mga netizens, at makikitang mas marami ang sang-ayon sa kanyang sinabi.

Kamakailan lang ay kinumpirma ng aktres-singer-host na si Toni Gonzaga na nagpapaalam na siya sa "Pinoy Big Brother" (PBB) ng ABS-CBN.

Sa isang Instagram post noong Miyerkules ng hapon, sinabi ng 38-anyos na ito ang kanyang pinakamalaking karangalan na mag-host ng reality TV competition sa loob ng 16 na mahabang taon.

"From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya! Today, I'm stepping down as your main host," aniya

"I know Bianca [Gonzalez] and the rest of the hosts will continue the PBB legacy. It has been my privilege to greet you all with 'Hello Philippines' and 'Hello World' for the last 16 years. I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart. Thank you Kuya for everything. This is your angel, now signing off," dagdag pa ni Toni


Larawan mula sa Inquirer


Nag trending si Toni sa Twitter at binatikos ng karamihang netizens na tila taga suporta ng kampo ni bise presidente Leni Robredo dahil sa pag host nito sa proclamation rally ni presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Kasama sa senatorial slate ng grupo ni BBM at Duterte si Rep. Rodante Marcoleta na isa sa 70 miyembro ng Kongreso na bumoto para tanggihan ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Dahil dito, marami ang nadismaya kay Toni lalo na nang ipakilala niya si Marcoleta sa mga manonood.

Marami man ang bumatikos kay Toni sa social media at pati kapwa niya artista, hindi rin maikakaila na mas marami siyang natanggap na suporta mula sa sambayanang Pilipino na naniniwala na karapatan niya ang mamili ng kandidatong susuportahan at trabahong tatanggapin.

Post a Comment

0 Comments