Ang kandidato sa pagkapangulo at pinuno ng manggagawa na si
Leody de Guzman noong Miyerkules ay nanawagan para sa pagpapalaya sa nakakulong
na oposisyon na si Senador Leila de Lima.
Ang panawagan ni de Guzman ay bilang reaksyon sa pahayag ng
Human Rights Watch (HRW) na humimok sa mga presidential bets na mangako na
ibasura ang lahat ng mga kaso laban kay De Lima.
“Matagal na akong naniniwala na biktima ng malisyosong atake
si Senadora Leila de Lima ng rehimeng malupit sa mga dukha, at gayundin sa mga
pampulitikang oposisyon,” ayon kay ka Leody
“Patuloy din tayong naninindigan at nanawagan na dapat
itigil ang harassment sa kanya at agad palayin para makapiling ang kanyang ina
at pamilya,” aniya pa
Nakulong si De Lima noong 2017 dahil sa pagkakasangkot nito sa
illegal drug trade sa New Bilibid Prison.
Ayon pa sa HRW, ang mga bintang sa mambabatas ay may
kinalaman umano sa pulitika bilang paghihiganti ni Pangulong Rodrigo Duterte
kay De lima sa patuloy na pambabatikos ng huli sa war on drugs ng administrasyon.
Nagsilbi si De Lima bilang Justice Secretary mula 2010
hanggang 2015 sa ilalim ng administrasyong Aquino.
0 Comments