Isang Pinay na may karinderya sa South Korea, kumikita ng 2 milyong South Korean won o P86k kada araw





Talagang namangha ang cast ng "Running Man Philippines" sa isang Filipina na mayroong negosyo na karinderya sa tinaguriang Little Manila sa South Korea dahil sa magandang kita ng kanyang negosyo sa nasabing bansa. 

Ang cast ng Pinoy version ng reality game show ay nagtungo sa Little Manila para matikman naman nila ang mga pagkaing Pinoy doon.
 
At doon nila nakilala si "Ate Violeta," ay nagmamay-ari ng karinderyang Pinoy na sampung taon na palang nagtitinda sa South Korea.
 
Ayon pa kay Ate Violeta, hindi talaga siya ang unang may-ari ng tindahan, umalis daw ang unang nagtayo nito at pinagkatiwala na sa kanya ang kainan.
 
"Matagal na ito. Kaya lang noong nag-for good na 'yung tao, hindi na siya babalik, ibinigay na niya sa akin," aniya




 
Kwento pa niya, mahirap lang ang kanilang buhay sa Pilipinas at anim silang magkakapatid.
 
"Nakipag-asawa ako ng Korean. Sa hirap ng buhay sa Pilipinas, sa aming magkakapatid, ang dami namin, anim. May puwesto ako sa Pilipinas, tiningnan ko ang kapatid ko, ang asawa ay babaero... Nakipag-asawa na siya nang maaga, ako na 'yung nahuhuli. 'Ay naku, mag-asawa na lang ako ng Korean.' Binigay ko na 'yung puwesto ko sa kanila isa-isa," kwento pa ng Pilipinang negosyante
 
Nakatagpo daw ni ate Violeta ang kanyang asawa sa tulong ng kaibigan ng kaniyang ate na may asawang Korean.
 
Naging magkasintahan ang dalawa hanggang sa kunin siya ng partner papunta Korea kung saan sila ay kinasal.




 
Sa kasalukuyan, may dalawa na silang anak at karinderyang kumikita umano ng 2 milyong South Korean won o higit P86,000 kada araw.
 
Maliban pa dito ay mayroon pa siyang isang pwesto at kung pagsasamahin ang kanyang kinikita sa kanyang mga tindahan ay aabot ito ng 3.5 milyong South Korean won o higit sa P150,000.

Post a Comment

0 Comments