Talagang napakayaman ng karagatan ng Pilipinas
sa mga lamang dagat, patunay na dito ang iba’t ibang isda na nahuhuli ng ating mga
mangingisda.
Unang nakahuli ng higanteng lapu-lapu ang
isang mangingisda sa Palawan na may timbang na umabot sa 123 kilos. At nitong
Hunyo 2022 naman ay isang napakalaking lapu-lapu na naman ang nahuli sa Antique
na may timbang na 187 kilos na nabingwit ni Rex Vega Jr. ng Antique.
Ang unang higanteng isda ay nahuli umano
noong May 3, 2022 at ito ay naibenta ng mahigit Php19, 000. Kaya naman dahil dito ay napatunayan na
marami pang mga higanteng isda sa ating karagatan.
Ayon pa sa isang Facebook post ng tiyahin
ni Rex, hindi umano naging madali ang pagkuha sa kabuuang timbang ng isda dahil
hind inga ito kasya sa timbangan.
“Hindi kasya sa timbangan ang isda.” Ayon pa
sa caption ng post ni Reah Vego Davidson
Kinailangan pa umano na hiwain ito para
makilo at malaman ang eksaktong timbang.
“Ulo ay 50 kilos. Lamang loob 30 kilos.
Laman ay 107 kilos. Total ay 187 kilos.” Ani Reah
Dahil na rin sa sobrang laki ng isda ay nahirapan
din sila na iahon ito mula sa dagat.
“Daily routine na po ni Rex na during night
time ay humuhuli po siya ng isdang marot or galunggong para ipain sa madaling
araw sa kanyang bingwit or hook at itali sa balsa.
“So nung napansin niya na may kumain sa
pain niya ay sinikap niya pong iahon ito, ngunit hindi po niya kinaya kasi
lumalaban po yung catch niya.”
“Around 5:00 p.m. nila naiangat yung isda
at laking gulat nila nang makita ang higanteng lapu-lapu,” kwento pa ni Reah
Pinagkaguluhan din ang giant lapu-lapu sa lugar
ni Rex.
“Pinagtulungan nilang hilain sa
dalampasigan yung isda at dun na nagkagulo ang mga tao dahil sa bayang ito,
never pa sila nakakita ng ganun kalaking isda.” Aniya
Nakatanggap naman ng ilang batikos si Rex mula sa ibang netizens sa
pagkakahuli ng higanteng lapu-lapu. May mga nagtanong din umano kung bakit
hindi ito ibinalik sa dagat.
“Well, the fact is, hindi sinasadyang
mahuli or hulihin ang giant lapu-lapu na yun dahil ang baits maman talaga ay sinadya
para sa blue marlin or yellow fin tuna or tangigue lamang.
“Nagkataon yung lapu-lapu ang nabingwit.
After almost five hours of struggle na makuha or maiahon ang nasabing isda ay
patay na itong naiahon sa tubig after almost six hours, so, sa palagay niyo
kaya maibalik niyo pa yun sa tubig?” paliwanag naman ni Reah sa kanyang hiwalay
na post noong Hunyo 27.
Sinabi din ni Reah na tanging pangingisda
lang ay hanap-buhay ni Rex na may tatlong anak na sinusuportahan.
0 Comments