Tila marami pa rin ang kinikilig at interesado sa love story ng aktres na si Ruffa Gutierrez at ng kanyang dating asawa na Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.
Kamakailan lang ay kinumpirma ni Yilmaz ang mga balitang kumakalat tungkol sa kanyang personal na buhay sa pamamagitan ng isang post sa Instagram. Bagama't hindi niya tinukoy kung aling mga balita ang kanyang tinutukoy, ito ay kasabay ng mga pahayag ng kanyang dating asawang si Ruffa Gutierrez na naghayag na nais siyang muling pakasalan ni Yilmaz.
"For public opinion: regarding the news about me that has been published in the media recently, I would like to say, 'Yes, these news are true. I will be visiting the Philippines soon.' Yilmaz Bektas, with my best regards," ayon sa caption ng post ni Yilmaz

Bago ang pahayag na ito ng negosyante ay siniwalat n ani Ruffa na nagsabi si Yilmaz sa kanya na gusto siya nitong pakasalan muli matapos ang kanilang kontrobersyal na paghihiwalay noong 2007.
![]() |
Larawan mula sa Cosmo at Google |
Ayon kay Ruffa, nagulat siya sa alok na ito at inakala niyang nagbibiro lamang si Yilmaz. Dagdag pa niya, iminungkahi ni Yilmaz ang isang romantic travel sa tren sa buong Europa bilang bahagi ng kanyang proposal. Gayunpaman, nilinaw ni Ruffa na wala siyang balak na muling buhayin ang kanilang relasyon ng dating asawa.
Ang dating mag-asawa, na ikinasal noong 2003 at naghiwalay noong 2007, ay may dalawang anak na babae, sina Lorin at Venice. Sa mga nagdaang taon, nag-improve ang relasyon ni Ruffa at Yilmaz, at noong Hunyo 2022 ay pinayagan ni Ruffa na bisitahin ng kanilang mga anak si Yilmaz sa Turkey, na ikinatuwa naman ng mga tagahanga ng aktres.
0 Comments